PINAGHAHANAP | Lalaki, sugatan matapos saksakin nang tumanging magbigay ng pera sa Tacloban City

Tacloban City – Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin nang hindi magbigay ng pera sa Tacloban City.

Nakilala ang biktima na si Sean Paul Antivo, 26-anyos, residente ng Barangay 74, Lower Nula-Tula ng nabanggit na lungsod.

Kinilala naman ang suspek sa pangalang “Marco” na patuloy na pinaghahanap ng pulisya.


Sa imbestigasyon ng mga pulis, nag-iinom ang biktima sa tapat ng isang tindahan nang bigla itong nilapitan ng suspek at hiningian ng pera.

Tumangging magbigay ang biktima dahilan para saksakin ito ng suspek tsaka tumakas matapos ang insidente.

Facebook Comments