PINAGHAHANAP NA | Isang Japanese national, nabiktima ng salisi gang sa NAIA

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga otoridad ang tatlong babae na pawang mga miyembro ng salisi gang matapos nitong mabiktima ang isang Japanese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa ulat, hindi nakasakay ng eroplano ang biktimang si Tetsuya dahil kasamang natanggay ng mga suspek ang kaniyang mga importanteng dokumento tulad ng passport.

Nabatid na pasimpleng kinuha ng isa sa mga suspek ang kaniyang bag habang ang isa ay kausap ng biktima na magaling pang magsalita ng Nihongo.


Bukod sa passport, nakuha din ang kaniyang pera na aabot sa 50,000 Japanese yen at isang cellphone.

Naasikaso naman ng Japanese Embassy ang kaniyang travel document kaya at nakasakay din ito ng eroplano papunta sa kanilang bansa pero plano nitong bumalik para i-follow up ang kaniyang kaso.

Facebook Comments