PINAGHAHANAP! | Preso, nakatakas sa Zamboanga City

Zamboanga Peninsula – Pinaghahanap na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) regional office 9 sa upper Calarian, Zamboanga City ang isang inmate na nakatakas sa mismong detention cell ng nasabing ahensiya.

Sa ulat, binuksan ng isang guwardiya ang gate kung saan nagawa ng mga suspek na sina Tenten Duran, Muaser Abdulla at Saddam Unsang na itulak ito saka mabilis na tumakbo.

Kaagad namang hinabol ng guwardiya ang mga suspek kung saan nahuli nito sina Duran at Abdula pero hindi na naabutan si Unsang.


Kasalukyan pa rin pinaghahanap ng mga otoridad ang nakatakas na suspek.

Facebook Comments