PINAGHAHANAP | Store manager na nakapatay sa customer nito, binigyan ng taning ng QCPD para kusang sumuko

Manila, Philippines – Patuloy ang ginagawang manhunt operation ng Quezon City Police District (QCPD) para mahanap ang store manager ng isang outlet na nakapatay sa nakaalitan nitong customer sa loob ng SM North-Edsa sa Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ginagawa nila ang lahat para madakip ang suspek na si Leo Laab kung saan binigyan din nila ito ng 36 oras na taning para kusang sumuko.

Nabatid na nagtalo ang suspek ang biktimang si Geroldo Ramon Lopez matapos nitong kunin ang ipinagawang laptop na pinagawa subalit hindi naman nito nadala ang resibo o job order.


Napikon ang suspek matapos siyang batuhin ng water jug ng biktima kaya at bumunot ito ng kitchen knife saka niya ito sinaksak ng tatlong beses.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na posibleng binili muna ng suspek ang kutsilyo sa isang hardware sa loob ng nasabing mall.

Facebook Comments