Manila, Philippines – Tinawag na mutiny ni Albay Rep. Edcel Lagman ang hakbang ng mga mahistrado ng Korte Suprema matapos pagkaisahan si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno para mag-indefinite leave.
Kasabay nito ay kinukundina ni Lagman ang political conspiracy o rebelyon laban sa Punong Mahistrado na naglagay sa kahihiyan sa buong Hudikatura.
Ang ginawa aniya ng mga mahistrado kay Sereno ay nakakawala ng respeto sa mga ito.
Kahiya-hiya aniya ang nangyayari dahil nalantad sa publiko ang gulo sa loob mismo ng Supreme Court.
Duda si Lagman kung bakit hindi na hinintay pa ng mga mahistrado na matapos ang proseso ng impeachment laban kay Sereno.
Nagtataka ang mambabatas na matapos i-anunsyo ang indefinite leave ni Sereno, sunud-sunod na ang panawagan na mag-resign ito.
<#m_5957043628138153116_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>