PINAGKUKUNAN | Coal, nangungunang source of energy pa rin sa Pilipinas ayon sa DOE

Manila, Philippines – Nangunguna pa rin ang coal sa pinagkukunan ng enerhiya o kuryente ng Pilipinas.

Batay sa 2017 power statistics report ng Department of Energy (DOE), ang coal ay mayroong generating capacity na 8,049 megawatts (MW), mas mataas kumpara sa higit 7,000 MW noong 2016.

Umaangat din ang paggamit ng renewable energy na may 7,079 MW, langis na may 4,153 MW at natural gas na may 3,447 MW.


Tumaas din ang power generation ng bansa ng 3.9% sa 94,370 gigawatt hour (GWH) mula sa dating 90,798 GWH noong 2016.

Sa ilalim ng electric power industry reform act of 2001 o Epira law, gumagamit ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng installed capacity bilang basehan sa annual generating capacity at market share limitations.

Facebook Comments