PINAGKUKUSA | DILG, pinayuhan ang mga ‘Ninja Cops’ na kusa na lamang na umalis sa serbisyo

Manila, Philippines – Pinayuhan ni DILG OIC-Secretary Eduardo Año ang mga ninja cops na kusa na lamang iwan ang pagpupulis habang may panahon pa.

Tinawag na ninja cops ang mga opisyal ng PNP o pulis na nire- recycle at ibinebenta muli sa lansangan ang kanilang nasasamsam na illegal drugs.

Sinabi pa DILG Chief na may option naman ang mga ninja cops na ikumpisal na lamang ang kanilang illegal na aktibidad at tahakin ang landas ng pagbabago.


Aniya, igagalang pa rin naman ang kanilang karapatang pantao ng dahil bibigyan sila ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa isinasagawang evaluation at assessment.

Nauna nang inalmahan ng Commission on Human Rights ang pag aalok ni President Rodrigo Duterte na P5-million na pabuya para sa sinumang makakapatay ng ninja cop.

Ani Año, ang bounty ay isa lamang paraan ni Duterte na iparating ang mahigpit na mensahe para sa mga tiwali sa hanay ng PNP

Dahil mga baguhang pulis ang nagiging ninja cops, hihigpitan ng DILG at PNP proseso ng recruitment at hiring procedures ng mga papasok sa police force.

Facebook Comments