Manila, Philippines – Binigyang pagkilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
kabayanihan at dedikasyon ng mga sundalo para protektahan ang mga Pilipino
at ang bansa.
Sa kanyang talumpati sa 121st Founding Anniversary ng Philippine Army,
hindi aniya matatawaran ang ipinakitang lakas ng loob at sakripisyo ng mga
sundalong nakipag-giyera sa Marawi City.
Tiniyak din ng Pangulo ang pagpapatupad sa lalong madaling panahon ng
ikalawang bahagi ng AFP Modernization Program.
Mayroong nakalaang 500 million pesos para sa pagpapagamot ng mga sundalo at
ang buwanang P50 million na ibinibigay sa v. Luna Medical Center kung saan
dinadala at ginagamot ang mga sugatan at maysakit na sundalo.
Facebook Comments