PINAGPAPALIWANAG | DOE, pinadalhan ng show cause order ang mga gasoline stations na naunang nagtaas presyo

Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Department of Energy ang ilang oil companies na nauna nang nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi, sa adisi-sais pa dapat magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis bunsod ng ipatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ng Duterte Administration.

Pero may mga natatanggap silang mga ulat na may ilang oil companies na ang nagpatupad ng oil price hike dahil umano sa TRAIN Law.


Sinabi pa ni Cusi na kasalukuyan ding beneberipika ng kanilang team of inspectors kung totoo na ang ilang oil companies ay naubos na ang imbentaryo kung kaya’t nauna na silang nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kasunod nito binalaan ng opisyal ang mga mananamantala ng TRAIN Law.

Paliwanag nito ang sakop lamang ng excise tax sa langis ay ang mga imbentaryo mula Enero 2018.

Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kasong administratibo at posibleng matanggalan ng kanilang Certificates of Compliance (COC).

Mahaharap din sa kasong kriminal tulad ng estafa, profiteering at paglabag sa Oil Regulation Law ang mga mananamantalang negosyante.

Facebook Comments