Manila, Philippines – Kinukwesyon ngayon ni Solicitor General Jose Calida ang tila naging pananahimik ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa pagbabasura ng Ombudsman sa reklamong Plunder na isinama ni Senator Antonio Trillanes IV, laban kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Ayon kay SolGen Calida, Nobyembre 2017 pa nang maibasura ang reklamo ng senador ngunit tatlong buwan na aniya ang nakalipas ay wala pa ring alam ang publiko kaugnay dito.
Ayon kay Calida, kung hindi pa siya susulat sa Ombudsman para humingi ng update, ay hindi niya pa malalaman na naibasura na pala ang reklamo.
Dapat umanong magpaliwanag si Carpio, lalo’t tungkulin nito na ipabatid sa publiko ang desisyong ito ng Ombudsman dahil involve sa usapin ang Pangulo.
Sa liham ng Ombudsman na natanggap kahapon ng Office of the Solicitor General, November 29, 2017 pa nang mabasura ang reklamong Plunder ni Senator Trillanes laban kay Pangulong Duterte.