PINAGPAPLANUHAN | Pagpapatayo ng matitibay na evacuation center, pinag-uusapan na ng NDRRMC

Manila, Philippines – Pinag-uusapan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang planong pagpapatayo ng mga evacuation center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sabi ni NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas – kasama sa pinag-uusapan nila ngayon ang pinal na disenyo ng mga itatayong evacuation center.

Kasama ng NDRRMC sa pagpaplano ang DPWH, DSWD, DILG at ang National Housing Authority.


Matatandaang matapos ang pananalasa ng Bagyong Ompong, nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatayo ng matitibay na evacuation center.

Ito ay para hindi naaapektuhan ang pag-aaral ng mga bata dahil mga paaralan ang kadalasang ginagamit na evacuation center tuwing may kalamidad.

Facebook Comments