Pinagtaguan ni ASG Leader Mundi Sawadjaan at mga kasama nito na responsable sa Jolo bombing, natunton ng militar sa Indanan, Sulu

Matapos ang sunod-sunod na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo sa Sulu at grupo ni Abu Sayyaf Leader Mundi Sawadjaan, nadiskubre ng tropa ng militar ang pinagtataguan ng mga ito sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt. Col. Ronaldo Mateo, alas-9:00 ng umaga kanina nang makita ang lugar kung saan nagtago ang grupo ni Sawadjaan na responsable sa Jolo bombings.

Batay sa intelligence report ng military, tatlong araw nanatili sa lugar ang grupo nila Sawadjaan.


Nakuha sa lugar ng tinatayang 40 mga terorista ang kanilang mga personal belongings.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagtugis ng Joint Task Force sa grupo ni Sawadjaan gamit ang lahat ng land, sea, at air assets ng militar.

Mula noong August 25 nang magsimula ang militar na tugisin ang grupo ni Sawadjaan kung saan namatay na sa mga sagupaan ang tatlong miyembro ng ASG nang magka-engkwentro sa Patikul, Sulu noong August 29.

Habang may 9 na Abu Sayyaf ang sumuko na sa JTF Sulu.

Facebook Comments