PINAGTIBAY | Desisyon na nagbabawal sa pagkuha ng testimonya ni Mary Jane Veloso, pinagtibay ng CA

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Court of Appeals ang unang desisyon nito na pagbawalan ang pagkuha ng testimonya ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong pagpuslit ng droga.

Kaugnay ito ng kasong illegal recruitment at human trafficking laban sa mga recruiters ni Veloso sa Nueva Ecija.

Nabatid na noong Martes pa ay ibinasura ng appellate court ang Motion for Reconsideration (MR) ni Veloso sa unang ruling na nagbawal sa isang hukom sa Nueva Ecija na isagawa ng deposition ng Pinay.


Sa December 13, 2017 decision ng CA, binaligtad ang ruling ni Judge Anarica Castillo-Reyes ng Sto. Domingo, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 88 na payagang tumestigo si Veloso laban kina Maria Cristina Sergio at live in partner nito na si Julius Lacanilao.

Pero snabi ng CA na walang batas na pinapayagan ang pagkuha ng deposition sa written interrogations.

Ayon sa CA, ang pag-rekonsidera sa una nilang desisyon para makuha ang testimonya ni Veloso ay mangangahulugan ng pagbalewala sa Section 14, Article III ng konsitusyon.

Facebook Comments