PINAGTULUNGAN | Isang construction worker, patay matapos pagtulungan bugbugin at saksakin sa Tondo, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang 53-anyos na construction worker matapos pagtulungang saksakin at bugbugin sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Noel Mandahuyan.

Naaresto naman ang isa sa tatlong suspek na nakilalang si Raul Navarro habang pinaghahanap pa ang kasabwat nito na sina Jeffrey Duran at Meng Duran.


Sa ulat, pinagtulungan bugbugin sa saksakin ng tatlong suspek ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang mga suspek subalit nahuli si Navarro sa follow up operation ng pulisya.

Facebook Comments