PINAHINTULUTAN | Dating Senador Jinggoy Estrada, pinayagan ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Pinahintulutan ng Sandiganbayan 5th Division na makalabas ng bansa si dating Senador Jinggoy Estrada.

Sa kabila ng pagtutol dito ng prosekusyon, kinatigan pa rin ng korte ang mosyon ng dating senador.

Batay sa urgent motion ng senador, hiniling nito na payagan siyang makaalis ng bansa para samahan ang dating first lady at dating Senador Dr. Loi Ejercito na makapagpagamot sa Singapore mula October 1 hanggang October 8.


Ayon sa korte, ang right to travel ay constitutional right ng isang indibidwal maliban na lamang kung ito ay flight risk.

Gagamitin ni Estrada ang P2.6 Million pesos na travel bond noong nakaraang taon bilang garantiya na babalik ito sa bansa.

Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at 11 bilang ng kasong graft kaugnay pa rin pork barrel scam.

Facebook Comments