DEADLINE | Submission ng aplikasyon para sa aspirante sa babakantehing pwesto ni CJ de Castro, hanggang ngayong araw na lang

Manila, Philippines – Hanggang ngayong araw na lang ang pagsusumite ng aplikasyon at rekomendasyon sa Judicial and Bar Council para sa papalit kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro.

Sa October 15 naman ang deadline ng pagsusumite ng mga requirements o dokumento.

Otomatiko namang nominado ang limang most senior associate justices ng Korte Suprema na sina Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo at Estela Bernabe.
August 25 ng taong ito nang mahirang si De Castro bilang Chief Justice at sa darating na Oct 10, siya ay nakatakdang magretiro.


Facebook Comments