Pinaigting ng Mangaldan Municipal Police Station ang pagpapatupad ng Oplan Sita sa Barangay Anolid, Mangaldan.
Kasunod ito ng kampanya ng Philippine National Police para sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kalsada.
Sa operasyon, sinuri ng mga pulis ang mga lisensya at rehistro ng mga sasakyan at motorsiklo. Ilang motorista ang nabigyan ng tiket matapos lumabag sa lokal na ordinansa.
Mahigpit ding binabantayan ng mga awtoridad ang paggamit ng malalakas na muffler at ang pagbiyahe ng riding-in-tandem na walang kaukulang dokumento.
Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorista na laging magdala ng kumpletong dokumento, lisensya, at magsuot ng tamang helmet upang maiwasan ang anumang parusa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









