AMBULANT VENDORS, DUMADAGSA PA RIN SA MANGALDAN PUBLIC MARKET

Nagsidatingan sa Mangaldan Public Market ang mga ambulant vendors mula sa mga karatig-bayan dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo.

Hanggang ngayon, mino-monitor pa rin ang mga muling bumabalik sa maling puwesto, lalo na ang mga nagtitinda ng isda.

Ayon kay Gerardo Ydia, hepe ng Public Order and Safety Office (POSO), walang kaukulang permiso ang ilang tindera mula sa ibang lugar, bagay na naitala na rin noong nakaraang linggo.

Aniya, pinayagan muna ang ilang nakiusap na ambulant vendors na magtinda sa loob ng isang araw dahil naawa sila sa matumal na bentahan.

Nagpahayag naman ng pagtutol ang mga market vendors na nagbabayad ng kanilang pwesto.

Ayon sa ordinansa, ticket lamang ang kailangang kunin ng mga nais magbenta sa bayan. Ang paglabag ay may multang P500 para sa unang offense, P1,500 sa ikalawang offense, at kumpiskasyon ng paninda naman sa ikatlong offense.

Nanawagan naman ang ahensya sa mga ambulant vendors na pumwesto sa tamang pamilihan upang makaiwas sa paglabag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments