Asahan na ang mga random o biglaang checkpoint sa Metro Manila kapag oras na ng curfew.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, layon nito na maiwasan ang mga aksidente at mahuli ang mga nagmamaneho nang lasing.
Sa datos ng MMDA, mahigit 31,811 ang naitalang aksidente sa buong Metro Manila mula Enero hanggang Agosto kung saan 136 indibidwal ang namatay.
Paliwanag ni Highway Patrol Group Chief Brig. Gen. Eliseo Cruz, katumbas ito ng limang aksidente kada oras.
Kabilang na aniya rito ang 100 insidente na sumalpok sa mga inilagay na concrete barriers sa gitna ng EDSA ngayong iniba ang bus stops sa gitna ng COVID-19 quarantine.
Nangunguna ang Quezon City sa pinakamaraming naitalang aksidente na may 10,979 insidente, pangalawa ang Maynila na may 3,349 at pangatlo ang Makati na may 2,430 insidente.
Maituturing ding “multiple violator” ang nasa 10,000 nasangkot sa mga aksidente.