Ipatutupad sa ilang bayan sa Pangasinan ang mga hakbang pangkaligtasan sa mga resort at iba pang pasyalan ngayong kasagsagan ng Semana Santa.
Sa Bugallon, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang mandatoryong pagkakaroon ng lifeguards at sapat na kagamitan tulad ng vests, rescue tubes, at first aid kits sa lahat ng resort at iba pang swimming area.
Samantala, sa Bautista, ipinagbawal ang pagligo at recreational activities sa nasasakupang bahagi ng Agno River simula April 1 hanggang April 5, dahil sa banta ng pagkalunod at aksidente.
Nauna nang nilagdaan sa mga bayan ng Mangatarem at Bolinao, ang paghihigpit sa mga resort, pasyalan, at iba pang lugar na posibleng dagsain, kabilang ang mga ilog, bilang proteksyon ng mga bisita.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pangasinan PDRRMO ang kaukulang deployment ng mga personnel sa mga convergence areas sa ilalim ng Blue Alert Status. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










