Manila, Philippines – Pinaigting ngayon ng National Food Authority ang monitoring nito ng presyo ng bigas sa merkado partikular ito sa mga lugar na matinding naapektuhan ng mga pagbaha dulot ng hanging habagat at bagyong Karding.
Nag-deploy na si NFA Administrator Jason Aquino ng team na iikot sa mga public markets at sa mga komunidad para matiyak na ang mga NFA accredited retail outlets ay nagbebenta sa presyong itinakda ng ahensya at umaalinsunod sa rules and regulations ng DTI.
Maliban sa price monitoring, babantayan din ng ahensya ang supply flow ng commercial rice.
Kabilang sa kapangyarihan ng team ay ang pagsasagawa ng inspection sa mga rice mills at private warehouses para matiyak na walang nangyayaring rice hoarding.
Kasunod ito ng mga sumbong ng mga aktibidad ng over-pricing ng NFA rice, diversion at re-bagging and mixing ng NFA rice.