PINAIIMBESTIGAHAN | Pagbibigay ng trabaho sa mga Chinese nationals, pinatitingnan na ng Palasyo sa DOLE

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Palasyo ng Malacañang sa Department of Labor and employment ang issue ng pagpasok ng maraming Chinese Workers sa bansa.

Batay sa mga impormasyon ay sa larangan ng construction at online gambling nagtatrabaho ang mga pumapasok na Chinese sa Pilipinas.

Ayon kay Chief Presidential Legal counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, maraming Pilipino ang walang trabaho ka hindi tama na mas mabibigyan pa ng trabaho ang mga dayuhan kaysa sa mga pilipinong mas mangangailangan.


Sinabi ni Panelo, hindi makapapayag ang pamahalaan na mapunta sa mga dayuhan ang trabahong dapat ay ibinibigay sa ating mga kababayan.

Kaya naman sinangayunan ng Malacañang ang plano ng Senado na imbestigahan ang pagpason ng mga chinese workers sa bansa para makabuo ng batas na papabor sa mga pilipinong manggagawa.

Nabatid na batay sa Bureau of Immigration ay karamihan sa mga pumapasok na chinese sa bansa ay mga turista lamang pero nagkakatrabaho sa pamamagitan ng kanilang mga contacts na Filipino Chinese.

Facebook Comments