Natukoy na sa Mainland France ang pinaka-unang kaso ng Indian Variant na nagresulta ng pagkasawi na maraming katao sa bansa.
Ayon kay Benoit Elleboode, Director ng isang agency sa Southwestern Department ng Nouvelle-Aquitaine, nadiskubre ito sa isang mamamayan na nagmula sa India.
Tila binali naman ni Elleboode ang kaniyang unang pahayag na hindi makakapasok sa France ang Indian variant.
Sa ngayon hanggang kahapon (April 29), mahigit 18 milyong katao na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng sakit sa India kung saan nakapila na sa kalsada ang mga bangkay na naghihintay ng pagkakataong ma-cremate.
Nasa 379,257 naman ang naitalang bagong tinamaan ng sakit at 3,645 ang panibagong nasawi dahil sa virus.
Facebook Comments