Pinangunahan mismo ni PLTCol Pepito A Mendoza Jr, DPDO ng IPPO na nagrepresenta kay PCol. Julio R Go, Provincial Director kasama sina PLTCol Benjamin Balais, OIC ng Ilagan City Police Station at PMaj Joel B Dulin, OIC ng PCADU na nagbahagi ng brief concept ng Project KALSADA.
Katuwang rin sa naturang aktibidad ang Regional Highway Patrol Unit 2, Isabela Special Motorcycle Action Response Team (iSMART), Land Transportation Office-Ilagan, Transportation Regulation Officer 2, Public Order and Safety Management Office, Regional Medical and Dental Unit 2, Isabela Provincial Health Unit, TODA-Ilagan at Barangay-based Advocacy Support Group.
Nagsagawa ang mga naturang grupo ng iba’t- ibang lectures hinggil sa mga safety tips at usaping pang KALSADA.
Nagpamalas rin ang mga ito ng Basic Motorcycle Riding Techniques.
Ang nasabing proyekto ay isinagawa rin bawat police stations at personnel mula sa 1st at 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) sa kani-kanilang nasasakupan.
Layunin ng naturang aktibidad na magkaroon ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng riding community, LGU-POSUs at mga kapulisan upang mas lalong maiwasan ang mga nangyayaring aksidente sa lansangan sa lalawigan ng Isabela.