Idineklara ng World Health Organization (WHO) na nalampasan na ng Pilipinas ang worst scenario sa Omicron variant surge sa bansa.
Ayon kay acting WHO Representative to the Philippines Dr. Rajendra Prasad Yadav, maging ang bilang ng mga nasawi sa bansa sa Omicron ay maliit lamang.
Gayunman, nagbabala si Dr. Yadav na hindi aniya natin alam kung hanggang kailan mapapanatili ng bansa ang mababang kaso ng infection at ang mababang bilang ng mga bagong binabawian ng buhay sa virus.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Yadav ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagbabakuna sa mga menor de edad.
Aniya, ligtas ang mga bakuna kontra COVID-19 at hindi dapat mag-panic ang mga magulang.
Umapela rin si Dr. Yadav sa taongbayan na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa COVID vaccines.