Barangay Ginebra, tinalo ang Globalport Batang Pier sa PBA Governor’s Cup

PBA – Inilampaso ng Barangay Ginebra Ang Globalport Batang Pier sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa iskor na 124-108.

Kumadada ng 29 points, limang rebounds at apat na assists si LA Tenorio.

Nag-ambag din sa laro sina Scottie Thompson na may 13 points, 9 assists at dalawang rebounds at Justin Brownlee na may 21 points, 12 rebounds at apat na assists.


First quarter pa lamang ay tinambakan na ng Ginebra ng 20 puntos ang batang pier.

Samantala, magdo-donate ang PBA sa mga biktima ng kaguluhansa Marawi City sa pamamagitan ng bahagi ng kita nito sa ticket sales sa elimination round ng PBA Governor’s Cup.

Dahil dito, aabot na lamang sa P30.00 ang tickets sa general admission sa Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena na magsisimula sa August 2 kung saan mapapanood ang nasabing laro tuwing Miyerkules, Biyernes at Sabado.

Facebook Comments