United Kingdom – Inilabas ngayon ang pinakamahal na high heels sa buong mundo na nagkakahalaga ng 15 million dollars o mahigit 750 million pesos.
I-dinesign ni Debbie Wingham ang UK habang ginawa naman ng Florida-based contemporary artist na si Chris Campbell ang kamangha-manghang high heels.
Punong-puno ng diamond at gold ang nasabing sapatos na inabot ng ilang buwan at ginawa ito para sa isang miyembro ng kilalang pamilya mula sa Dubai na magce-celebrate ng birthday.
Kilala si Wingham na gumawa ng most expensive dress na nagkakahalaga ng 5.45 million dollars o mahigit 772 million pesos at cake na nagkakahalaga ng 64 million dollars o 3.2 billion pesos para sa kliyente niya mula sa UAE.
Facebook Comments