PINAKAMALAKAS NA BAGYO | Typhoon Jebi, patuloy na nananalasa sa Japan

Japan – Umabot na sa anim ang patay habang nasa 160 ang sugatan dahil sa pananalasa ng typhoon Jebi sa Japan.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, itinuturing itong pinakamalakas na bagyong tumama sa kanilang bansa sa loob ng 25 taon.

Nagdulot ito ng matitinding storm surges at maraming gusali at kabahayan ang nasira dahil sa malalakas na hangin at ulan.


Isang barko naman lulan ng walong tripulante ang itinulak ng malalakas na alon hanggang sa tumama ito sa isang tulay.

Daan-daang domestic at international flights naman ang nakansela.

Aabot sa 14,000 residente ang inilikas sa 5,000 refuge zones.

Bago ito nag-landfall, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour at pagbugsong nasa 165 kph.

Facebook Comments