Pinakamalaking artillery drill, isinagawa ng North Korea kasabay ng founding anniversary ng kanilang army

North Korea – Naglunsad ng pinakamalaking artillery drills ang North Korea bilang bahagi ng 85th founding anniversary ng kanilang army.

Isinagawa ng North Korea ang tinaguriang largest-ever artillery firing drill sa east coast sa gitna ng inaasahang pagdating ng mga barkong pandigma ng Amerika sa Korean Peninsula.

Batay sa South Korean Military, aabot sa 400 na piraso ng military weapons ang ginamit sa naturang live-fire exercise.


Dumalo sa nasabing aktibidad si North Korean Supreme Leader Kim Jong-Un.

Facebook Comments