Ginamit na rin ng Philippine Navy ang isa sa kanilang pinakamalaking barko, ang BRP Davao del Sur (LD-602) para magdala ng relief supplies sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Nitong Martes umalis sa Pier 15 ang BRP Davao del Sur, karga ang 56 na tonelada ng kargamento at kagamitan kabilang ang mobile kitchens, cargo trucks at towable water treatment trucks ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, Manila Water at Maynilad.
Ang deployment ng malaking barko ay matapos ang direktiba ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad para mapabilis ang paghahatid ng relief supplies mula sa Luzon at Visayas papuntang Mindanao.
Dadalhin ang nga relief supplies sa Davao para maipadala sa mga lugar na apektado ng sunod-sunod na mga lindol.
Siniguro ni Empedrad na ang Philippine Navy ay laging handa para agad ma saklolohan ang mga biktima ng sakuna.