Tuluyang inaprubahan na ng Senado ang 2018 Budget para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Nagkakahalaga ito ng P33.569 billion itinuturing na pinakamalaking ipinundo para sa rehiyon sa kasaysayan ng ARMM.
Inaprubahan ito kahapon sa loob lamang ng sampung segundo na lubos namang ikinasaya ng mga ARMM Officials, na nagpapakita at nagpapatunay ng nag uumapaw na tiwala ng National Officials sa kasalukuyang administrasyong Hataman ayon pa kay Executive Secretary Atty. Laisa Alamia sa panayam ng RMN Cotabato.
Prayoridad pa rin sa ARMM para sa susunod na taon ang poverty alleviation at karagdagang mga proyekto dagdag pa ni Sec. Alamia.
Kaugnay nito sinasabing nasa P14.661 billion, o 43.8% of thng kabuang budget ay allocated para personnel service, P14.042 billion, 0 41.96%, ay allocated for capital outlay, at ang natitirang P4.766 billion, o 14.24%, ay para sa maintenance and other operating expenses sa impormasyong nakuha mula sa Bureau of Public Information ARMM.(DENNIS ARCON)
Sapat na ba o kulang pa rin ang Budget na to para sa mga Bangsamoro?