Nadiskubre ng isang Filipina Scientist ang pinakamalaking Caldera sa buong mundo.
Ang ‘Apolaki’ ay matatagpuan sa Benham Rise na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon sa Geophysicist na si Jenny Anne Barretto, nasa 150 Kilometro ang laki ng Caldera sa Benham.
Doble ang sukat nito kumpara sa itinuturing na Supervolcano sa mundo na yellowstone sa Estados Unidos.
Maihahambin din ang sukat ng Apolaki sa Caldera sa planetang Mars at Venus.
Ang Caldera ay isang uri ng Volcanic Crater na nabubuo oras na mag-collapse ang isang bulkan.
Facebook Comments