Opisyal nang binuksan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pinakamalaking dialysis center sa buong bansa.
Ayon sa Manila Public Information Office, libreng serbisyo ang handog ng Flora V. Valisni de Siojo Dialysis Center sa mga residente ng siyudad.
Paglilinaw ng departamento, maaring pumunta sa dialysis facility ang hindi lehitimong taga-Maynila pero may bayad na abot-kaya ng bulsa.
Matatagpuan ang pasilidad sa loob ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo.
Mayroon 91 dialysis machine sa naturang pasilidad at kayang gamutin ang halos 100 pasyente.
Nagsimula ang proyekto sa ilalim ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at ipinangalan sa kaniyang inang si Flora Valisno de Siojo.
Pinagpatuloy at mas pinaganda ito ni incumbent Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Sa ilalim ng programang pinalawig, mayroon apat na sasakyang puwedeng maghatid sa mga pasyente mula sa tirahan nila patungong dialysis center at pabalik.