Pinakamalaking kampo ng refugees sa Lesbos, Greece, nasunog; 13,000 refugees, apektado

Apektado ang aabot sa 13,000 refugees sa Moria Refugee Camp na matatagpuan sa Lesbos, isang isla sa Greece matapos masunog.

Ayon sa mga otoridad, ang Moria Refugee Camp ang pinakamalaking migrant camp sa Lesbos kung saan pitumpung (70) porsyentong refugees dito ay mula sa Afghanistan.

Nagpadala naman ng aabot sa 25 bumbero at sampung fire truck ang mga otoridad para ilikas ang mga refugees.


Sa ngayon, iniimbestigahan pa kung ang mga nagpoprotestang tutol sa ipinapatupad na health protocols sa COVID-19 ang nagpasimula ng sunog.

Facebook Comments