Manila, Philippines – Wala naman nakikitang masama ang Commission on Human Rights sa inilabas na datos ng Human Rights Watch na nasa “pinakamalalang” estado ang bansa pagdating sa usapin ng karapantang pantao mula nang umupo sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte
Batay sa Human Rights Watch, mas malala pa ang Duterte administration kumpara sa pamamahala noon ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Agad naman itong pinalagan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at sinabing tila nililigaw ng Human Rights Watch ang publiko.
Pero, sa interview ng RMN kay CHR spokesman Jacque De Guia – sinabi niya na bawat administrasyon ay may nangyayaring human rights violation at nagkataon lang na dumami ngayon dahil sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Sa datos ng HRW, mahigit 12,000 mahihirap ang namatay sa war on drug ng Duterte administration.
Pero batay sa #realnumbersph ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management, higit 6,300 lang ang naitalang drug related killings.
Ang #realnumbersph ay inilunsad ng gobyerno para bigyan ang publiko ng tamang datos sa war on drugs ng pamahalaan.