Pinakamaraming aksidente sa kalsada, kinasasangkutan ng motorsiklo – MRO

Pinakamarami sa mga aksidente sa kalsada sa Pilipinas ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Ayon kay Jobert Bolanos, pinuno ng Motorcycle Rights Organization (MRO), ito ay dahil motorsiklo rin ang uri ng sasakyan na pinakamarami sa kalsada ngayon.

Nabatid na lampas na sa 65% ang road share ng motorsiklo kung saan umaabot sa walong milyong motorsiklo ang inirerehistro kada taon.


Itinuturong namang dahilan ni Bolanos sa nangyayaring aksidente sa motorsiklo ang kawalan ng disiplina ng mga rider, hindi istriktong pagpapatupad ng batas-trapiko at maluwag na proseso sa pagkuha ng lisensya.

Naniniwala rin siya na hindi solusyon sa problema ang paglalagay ng motorcycle lane sa halip ay dapat na magpatupad ng speed limit.

Facebook Comments