98% ng PNP officials, nakapagsumite na ng courtesy resignation

Nakapagsumite na ng courtesy resignation ang 98% porsiyento ng matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) hanggang kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, 18 na lamang mula sa kabuuang 956 police officers ang hindi nakapaghahain ng kanilang resignation.

Walo sa kanila ay magreretiro na rin sa mga darating na araw o linggo.


Pero paglilinaw ni Fajardo, hindi pa rin ligtas sa kasong kriminal ang mga retired official na mapapatunayang sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments