Cauayan City, Isabela- Naitala sa Lalawigan ng Isabela ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa ulat ng Department of Health (DOH) Region 2, umakyat sa 1,248 ang total confirmed cases ng Isabela matapos makapagtala ng labing pito (17) na panibagong kaso at isa (1) sa Santiago City.
Mula sa 1,248 na bilang ay 297 ang active cases ng Isabela.
Ang 17 na new cases ng Isabela ay kabilang sa 24 na bagong naitalang kaso sa rehiyon dos kung saan lima (5) sa Cagayan, at Isa (1) sa Nueva Vizcaya.
Gayunman, nakapagtala naman ang rehiyon ng 37 na karagdagang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.
Anim (6) ang naiulat na nakarekober sa Cagayan, 30 sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.
Kaugnay nito, nasa 113 na ang active cases ng Cagayan, 297 sa Isabela, 9 sa Santiago City, 19 sa Nueva Vizcaya at COVID-19 free na ang probinsya ng Batanes at Quirino.
Sa kasalukuyan ay umabot sa 2,624 ang total confirmed cases ng rehiyon dos, 438 ang active cases, 2,148 ang nakarekober at 38 ang nasawi.