Halos dalawang milyong kaso ng COVID-19 ang naitala sa India para sa buwan ng Agosto, na siyang pinakamataas na bilang sa buong mundo sa loob lamang ng isang buwan.
Isa rin ang India sa pinakamaraming naitalang bilang ng nasawi dahil sa sakit, kung saan umabot sa 28,000 sa loob ng isang buwan.
Ayon sa gobyerno ng India, ang pagsipa ng kaso ay bunsod ng isinasagawang malawakang testing sa Uttar Pradesh, Jharkhand, Chhattisgarh, Odisha at iba pa.
Sa ngayon, pangatlo na ang India sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot sa higit 3.6 milyon kung saan nangunguna pa rin ang United States at Brazil.
Facebook Comments