Nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na nababakunahan sa loob ng isang araw hanggang nitong Agosto 3.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., umabot sa 702,013 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa sa loob lamang ng isang araw.
Mas mataas ito sa target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 500,000 doses kada araw.
Sa 702,013 na mga nabakunahan, 233,065 ang nakatanggap ng unang dose habang halos 500,000 ang naturukan ng ikalawang dose.
Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 21,290,129 ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa bansa.
Facebook Comments