Pinakamataas na demand sa supply ng kuryente dahil sa epekto ng El Niño, inaasahang mararamdaman sa Mayo hanggang Hunyo

Inaasahang magkakaroon ng pinakamataas na demand sa supply ng kuryente ang bansa sa huling bahagi ng Mayo o umpisa ng Hunyo, dahil na rin sa epekto ng El Niño.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Energy (DOE) Assistant Secretary Mario Marasigan na posibleng pumalo sa 13,917 megawatts ang peak demand ng kuryente sa naturang buwan.

Mas mataas aniya ito sa 12,600 megawatts na demand kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.


Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Marasigan na kayang suportahan ng lahat ng planta ang demand sa kuryente kahit maapektuhan ng El Niño ang mga hydropower facilities sa Luzon, dahil sa mga bagong proyekto ng DOE.

Tututukan din aniya ng DOE ang mga major transmission projects ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at titiyaking tuloy-tuloy ang operasyon ng mga planta lalo na sa panahon ng tag-init.

Facebook Comments