Pinakamataas Na Kaso Ng Dengue, Naitala Sa Caraga Region.

16

CARAGA – Nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso ng dengue ang rehiyon ng CARAGA.Ayon sa disease surveillance report ng Department of Health (DOH), umabot na sa 6,259 ang kaso ng dengue na naitala mula Enero hanggang nitong nakalipas na Oktobre 15.Ang nasabing bilang ay 89 percent na mas mataas kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.Tatlumpu’t isa (31) sa bilang ng mga nasawi ay may edad apat hanggang apatnapung taong gulang.

Facebook Comments