Pinakamatandang lalaki sa mundo mula UK, pumanaw na sa edad na 112

(Credit: Guinness World Records)

Pumanaw na sa edad na 112 ang kinilala ng Guinness World Records bilang pinakamatandang lalaki sa buong mundo.

Kinumpirma ng pamilya ni Bob Weighton mula United Kingdom ang malungkot na balita nito lang Huwebes dahil umano sa kanser.

“With great sadness, the Weighton family announces the death of our beloved Bob Weighton,” saad ng kaanak nito sa inilabas na pahayag ng Britain’s domestic Press Association newswire.


Payapa raw na binawian ng buhay si Weighton habang natutulog ito sa kanilang bahay  Huwebes ng umaga.

Bilang isa umanong dating guro at inhinyero, marami raw itong naging kaibigan.

“He had many, many friendships and read and talked politics, theology, ecology and more, right up until his death.”

“He also cared greatly for the environment.”

Isa rin daw magandang ehemplo sa lahat si Weighton sa lahat at kaya raw nitong makasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao sa mundo.

Saad pa ng kanyang pamilya, hanggang sa huli ay nanatili itong matalino, makulit, maalam at mabuting tao.

Maalalang nito lamang Pebrero nang kilalanin si Weighton bilang “World’s oldest man” sa edad na 112 matapos masawi ang unang may hawak ng titulong ito na si Chitetsu Watanabe mula Japan.

Sa ngayon ay naiulat na magdiriwang ng ika-116 kaarawan ngayong buwan ang isang South African na si Fredie Blom ngunit hindi pa ito umano napatutunayan ng records body.

BASAHIN: 112-anyos mula UK, naitala bilang ‘world’s oldest man’

Facebook Comments