South, Africa – Usap-usapan ngayon ang isang kape na itinuturing na pinakamatapang sa buong mundo.
Tinawag itong “black insomnia coffee” ng coffee lover na si Sean Kristafor matapos na madiskubre noong 2016.
Ang pag-inom daw ng 12-ounce ng black insomnia coffee ay katumbas ng 701 miligrams na caffeine na siguradong hindi ka daw makakatulog sa gabi at pwedeng maging dahilan ng problema sa kalusugan.
Upang mas patibayin pa ang ebidensya na ito nga ang pinakamatapang na kape sa buong mundo nagpadala siya ng mga samples sa Swiss-based laboratory, kung saan ito pinag-aralan sa pamamagitan ng liquid chromatography.
At sa sobrang tapang, alam niyo ba na pwede itong mapabilang sa tinaguriang “most dangerous caffeinated product.”
Ang black insomnia coffee ay mabibili lamang sa mga piling cafe sa cape town South Africa at sa Amazon US.
Nation”