Nakakaranas ng matinding tagtuyot ang North Korea na maituturing na pinakamalalang tagtuyot sa nakalipas na 37 na taon.
Ayon sa United Nations (UN), mas tumindi pa ang tagtuyot dahil kasabay nito ang food crisis at posibleng lumala pa ang sitwasyon sa mga susunod na buwan.
Mahigit sa sampung milyong North Koreans o 40% ng populasyon ang nakakaranas ng food crisis dahil pa rin sa matinding epekto ng tagtuyot sa mga pananim.
Ang naranasang pagbuhos ng ulan sa North Korea ay umabot lang sa 2.1 inches ngayon taon at maituturing pinakamababa simula noong taong 1982.
Wala pa ring inaasahang pag-ulan na mararanasan hanggang sa katapusan ng buwan.
Facebook Comments