Pinakamurang labor workers, pinag-aagawan ngayong Kapaskuhan – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Pinamo-monitor sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang grupo ng mga manggagawa ang mga  fly-by-night na manpower service providers na nag-aalok ng illegal contracting at sub-contracting sa mga maliliit na manggagawa.

Ginawa ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang panawagan kasabay ng sunod-sunod na bidding para sa pangangailangan ng seasonal workers ngayong panahon ng Pasko.

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nasa dulo ng ilong ng mga regional labor inspectors ng DOLE ang ganitong hindi mga rehistradong mga middlemen ng mga manpower agencies pero hindi sila nababantayan.


Abot sa 1.5 hanggang 2 million na contractual and seasonal workers ang inilalako na bilang dagdag reinforcement sa mga food manufacturing, agri-business, department stores, hotels, restaurants, security at mga transport industries.

Ang National Capital Region ang may pinakamalaking demand sa seasonal workers.

Pababaan aniya ng presyo sa bidding ng murang labor force.

Pinepresyuhan lamang ng P300 kada araw na sahod ang mga babaeng manggagawa habang P400 ang kalalakihan.

Ito ay malayo sa standard na P537 na daily minimum wage sa Metro Manila.

Facebook Comments