Manila, Philippines – Isinapubliko sa kauna-unahang pagkakataon ang 1734 Murillo Velarde Map na siyang pinakaunang scientific map ng Pilipinas at itinuturing na Mother of all Philippine Maps.
Nabili sa isang auction sa London ang mapa ng I.T. businessman na si Mel Velasco Velarda sa halagang higit 12-milyong piso at ibinigay sa pamahalaan bilang donasyon.
Makikita sa mapa ang Scarborough Shoal at Spratly’s Island.
Ayon kay Roilo Golez, dating National Security Adviser – patunay ang mapa na walang karapatan ang China sa pag-angkin sa kabuuan ng West Philippine Sea.
Aniya, noon pa man ay may hurisdiksyon na ang Pilipinas sa lugar na taliwas sa sinasabi ng China na sila ang unang nakadiskubre at nagpangalan sa Scarborough Shoal.
Samantala, inilabas ang mapa kasabay ng e-book launching ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio tungkol sa kaparatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Balak i-exhibit ang mapa sa buong bansa saka ite-turn over kay Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Independence Day ngayong taon.
DZXL558