Pinakaunang skydiver, na tumalon mula sa eroplano nang walang parachute

Manila, Philippines – Isang skydiver na mula sa US ang unang taong nakatalon mula sa eroplano nang walang parachute

Matapos ang dalawang minutong pagbulusok pababa sa lupa ay nag-landing sa isang napakalaking lambat ang 42-anyos na si Luke Aikins.

Hindi siya makapaniwala si Aikins sa kanyang ginawang pag-skydive kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa kanyang crew, partikular na sa mga naghanda ng napakalaking lambat na sumalo sa kanya.


Nabatid na muntik nang hindi matuloy ang kanyang pagtalon matapos siyang sabihan ng mga otoridad na kailangan niyang magsuot ng parachute.

Mabuti na lang at binawi rin ito ilang minuto bago ang nakatakdang pagtalon niya.

Galing si Aikins sa pamilya na hilig ang skydiving dahil parehong skydiver ang kanyang ama at lolo at maging ang kaniyang asawa.

DZXL558

Facebook Comments