Pinakikilos ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles ang Department of Tourism na gamitin ang kanilang budget para lalo pang palakasin ang turismo sa mga lalawigan.
Aabot sa P3 bilyong piso ang panukalang budget ng DOT para sa 2019.
Ayon kay Nograles, malaki ang maitutulong ng DOT sa mga probinsyano na kumita ng husto mula sa mga programang pangturismo ng kagawaran.
Ito rin aniya ang dahilan kaya itinaas ang budget ng DOT sa 2019.
Aabot sa P1.618 Billion ang nakalaan upang pagandahin ang imahe ng Pilipinas sa mga dayuhan at maialok ang mga tourist destination sa bansa.
Kung maayos aniyang maisasakatuparan ito, maraming mga Pilipino na nasa mga kanayunan ang makikinabang sa malaking kitang malilikom sa turismo.
Facebook Comments