PINAKIKILOS | DOE, inatasan na ang PNOC na mag-angkat ng mababang presyo ng langis

Manila, Philippines – Pinakikilos na ngayon ng Department of Energy ang Philippine National Oil sa gitna nang mabagal na paglago at patuloy naman na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin Company-Exploration Corporation sa pag-angkat sa Pilipinas ng Low-Priced Fuel.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang pag-source ng murang petrolyo partikular na ang diesel ay makatutulong na pagaangin ang ‘Impact’ ng maya’t mayang Oil Price Adjustments.

Paliwanag pa ni Cusi na inaasahang pakakalmahin rin nito ang pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin kaya’t mako-kontrol ang Inflation Rate ng bansa at unti-unting giginhawa ang kalagayan ng mga Consumers.


Sa nabanggit na proyekto, paiiralin ng PNOC-EC ang Trading function nito sa ‘Acquisition’ ng Low-Priced Fuel na mangyayari sa pamamagitan ng kasunduan ng Estado.

Nasa proseso pa ng drafting ang Board ng korporasyon para sa Trading Procedure at Policy Safeguards sa panukalang importation na makakarating kalaunan sa mga dealers, operators at Independent Petroleum Players sa ilalim ng Memorandum of Agreement.

Facebook Comments